HANJIN JOB FAIR AT LAUNCHING NG WWW.JOBS.SUBICBAY.PH TAGUMPAY
Ayon kay Mayor Gordon, ang Hanjin ay ang ika-apat na pinaka-malaking Ship Builder sa buong mundo at mapalad ang mga taga Olongapo, Subic at Bataan dahil SBMA ang napili nito na pagtayuan ng kanilang kumpanya. Tinatayang aabot sa 7,000 libong trabaho ang maibibigay ng Hanjin sa pagbubukas nito.
Ibinahagi naman ni Administrator Armand Arreza ang puspusang paghahanap ng mga manggagawa ng Hanjin para sa pagpapasimula ng kanilang operasyon sa mga buwang darating. Bagay na dapat ikatuwa ng mga naghahanap ng trabaho lalo’t higit yung mga skilled.
Malaking tulong naman ang hatid ng pinaka-unang on-line job matching service na ilinunsad ni Mayor Bong Gordon sa tulong ni Kgwd. Edwin J. Piano. Ang www.jobs.subicbay.ph ay isang paraan para maiwasan ang mahabang pila, at magastos na pag-papa-xerox ng maraming resumes at mahabang oras na dapat gugulin sa paghahanap ng trabaho. Ang bawat aplikante na nag-parehistro ay magiging bahagi ng on-line database at tiyak na mababahaginan ng imporamsyon sa bawat vacancy na maipapasok sa website. Ang imporamasyon ay ihahatid sa pamamagitan ng email, text, tawag o di kaya’y sa pamamagitan ng mga Brgy. Job Placement Coordinators na personal na dadalaw sa bawat qualified na aplikante. Sa pamamagitan nito ay mas mapapadali ang ang paghahanap ng trabaho sa lungsod ng Olongapo at sa loob ng SBMA.
Ang nasabing job fair ay dinaluhan din ng ibat-ibang kinatawan ng SBMA Labor Center sa pamunuo ni Atty. Severino Pastor, PESO Manager Evelyn Delos Santos, mga kinatawan ng TESDA, DOLE at mga kawani ng lokal na pamahalaan ng Olongapo at SBMA.
Councilor Edwin Piano tours SBMA Administrator Armand Arreza and Olongapo City Mayor Bong Gordon to the www.jobs.subicbay.ph website while job seekers line-up at the on-line registration booth during the job fair.